It’s a boy para kina Max Collins at Pancho Magno

It's a boy para kina Max Collins at Pancho Magno

Lalaki ang magiging panganay na anak ng Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno.

Sa gender reveal video na ipinost nila sa Youtube, kasama ang kanilang pamilya ay idinaan ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagputok ng lobo ang paraan para ipaalam ang kasarian ng paparating nilang child.

Pero habang nasa diagnostic heart, sinabi ni Pancho na, “Kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam kung bakit. Parang ako ‘yung buntis.”

At bago ang pagpapaputok ng lobo, nagbigay din muna siya ng nakatutuwang mensahe sa magiging anak nila.

“We promise to love you and take care of you and your brother,” saad niya. “We will take care and love you and your sister.”

Hindi naman kaagad naputok ng mag-asawa ang lobo kaya lalong naging thrilling ang gender reavel.

At nang maputok na ang lobo, lumabas ang kulay asul na indikasyon na lalaki ang kanilang magiging anak.

Napatalon maging si Max sa tuwa.

Panoorin ang masaya nilang video.

FRJ, GMA News