Amerikanong na-stranded sa Cebu, pinagawan ng bahay ang pamilyang kumopkop sa kaniya


Mula nang bumisita sa Cebu noong 2016, nabighani na agad ang Amerikanong vlogger na si Dustin Borglin sa ganda ng lalawigan at kabaitan ng mga tao. Kaya naman bumalik siya sa bansa pero na-stranded nang magkaroon ng pandemya. Ngunit sa halip na malungkot, nag-enjoy ang dayuhan sa simpleng buhay-probinsiya at nagmistulang “Santa Claus” sa pagtulong sa mga nangangailangan.